2 pulis-Caloocan, positibong itinuro ng isa sa mga testigo sa pagpatay kay Kian Delos Santos

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 7695

Tahasang itinuro ng 31 yrs old na si MC, hindi tunay na pangalan, ang dalawa sa apat na pulis na nakita umano niyang bumibitbit kay Kian Delos Santos noong gabi ng August 16.

Ito ay sina PO3 Arnel Oares at PO1 Jeremias Pereda na nakatalaga sa Caloocan City. Si PO3 Oares umano ang nagpaputok ng baril na pumatay kay Delos Santos.

Tumanggi namang magsalita ang apat na pulis partikular na ang mga itinuro ng testigo at in-invoke ang self incrimation.

Dito na tinanong ni Senator Risa Hontiveros si PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa tungkol sa polisiya ng administrasyon sa war on drugs. Emosyonal naman na nagpaliwanag ang hepe ng pambansang pulisya. Maging ang hepe ng Public Attorneys Office ay ‘di na rin napigilang dumipensa sa mga pahayag ng senadora.

 Kaugnay ng mga nasasangkot na mga batang pulis, hiniling ni Dela Rosa sa mga senador na pag-aralan na ibigay lamang sa kanila ang kapangyarihan na magsanay sa mga nagnanais maging pulis.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,