Nakikipagugnayan ngayon ang Department of Transportation and Communication sa National Bureau of Investigation upang magkaroon ng access sa data base ng NBI.
Nais makuha ng DOTC ang negative list sa NBI upang pagbatayan sa pag i-isyu ng drivers license sa LTO.
Marami ang nagreklamo nang biglang gawing requirement ng LTO ANG NBI AT Police clearance upang makakuha ng lisensya.
Ayon sa DOTC, ginawa nila ito upang ma-proteksyunan ang mga pasahero.
Sa ngayon ay pansamantalang sinuspindi ng DOTC ang pagkuha ng NBI clearance sa mga nag a-apply ng lisensya matapos batikusin nina Senador Franklin Drilon at Ralph Recto ang LTO bunsod ng mga reklamong natanggap ng ahensya.
Ayon kay Recto, malaking halaga ang gagastusin ng mga nagnanais magkaroon ng driver’s license.
Sa susunod na taon, inaasahang nasa mahigit dalawang milyon ang nakatakdang magre-renew ng lisensya sa LTO bukod pa sa mga first time applicant.(Mon Jocson/UNTV Correspondent)
Tags: access, data base, DOTC, driver’s license, NBI