Dalang ulan ng bagyong Nona, nakabawas sa epekto ng El Niño ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1541

jerico_coloma
Sa kabila ng naitalang mga casualty dahil sa bagyong Nona, nakatulong din naman ang dalang tubig ulan ng naturang bagyo para maibsan ang epekto ng itinuturing na pinakamatinding El Niño kumpara sa mga nakalipas na taon ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nakagaan sa dry spell o drought scenario ang buhos ng ulan sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Malaki na rin aniya ang nadagdag sa tubig sa Angat Dam.

Patuloy naman aniyang nakabantay ang pamahalan dahil posibleng sa darating na buwan ng Pebrero at Marso mararamdaman ang matinding init na dala ng El Niño Phenomenon.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,