Dagdag sweldo ng PNP at AFP personnel, matatanggap na ngayong Enero – DBM

by Radyo La Verdad | January 4, 2017 (Wednesday) | 7555

aga_diokno
Tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na maibibigay na ang ikalawang bahagi ng salary increase para mga miyembro ng Armed Forces of the Philipppines at Philippine National Police.

Ang naturang increase ay bahagi ng “four tranche” salary adjustment program na may layong doblehin ang take home pay ng mga uniformed personnel pagsapit ng January 2018.

Kinakailangang maipasa ang isang batas bago tuluyang maipatupad ang pagtataas ng sahod ng mga military at police personnel.

Sa ngayon, umiiral ang batas na kung tumaas ang basic pay ng mga active military personnel, dapat ding tumaas ang pensyon at benepisyo ng mga retired military personnel.

Kaya hinati muna sa apat na tranche ang pagtataas ng mga benepisyo tulad ng hazard o combat pay para sa mga ito.

Samantala, malaki namang tulong para sa mga tauhan ng pulisya at militar ang dagdag na dagdag sahod na ito.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: , ,