Dagdag na tulong sa mga stranded OFW sa Middle East, hiniling sa mga mambabatas

by Radyo La Verdad | August 9, 2016 (Tuesday) | 2114

NEL_OFW
Dumulog sa mga mambabatas kaninang umaga ang mga pamilya ng mga Overseas Filipino Worker na nasa Saudi Arabia na hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi.

Dito ikinuwento ni Edna Medina ang kalagayan ng kaniyang asawa na nasa Jedda na kabilang sa mga pansamantalang naninirahan sa mga tent dahil paso na ang kaniyang iqama o work license.

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, aabot sa 800,000 na mga Pilipino ang nagtatrabaho ngayon sa buong Saudi Arabia.

Nangako naman ang ilang mambabatas na isusulong nila ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga stranded OFW.

Ayon naman sa Philippine Overseas Employment Administration, patuloy ang kanilang pagpapasara sa mga illegal recruitment agency.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,