MANILA, Philippines – Magpapatupad ng dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis Ngayong Linggo.
Ayon sa mga oil company magkakaroon ng P0.15 per liter na dagdag sa presyo ng Diesel at P0.10 per liter naman sa Kerosene.
Habang mayroon namang malaking rollback sa presyo ng gasolina na aabot ng P0.95 per liter hanggang P1.00 per liter.
Samantala ang Phoenix Petroleum at Clean Fuel nauna ng nagpatupad ng P1.00 kada litro na rollback sa presyo ng gasolina.
Habang ang ibang mga kumpanya ng langis naman ay sa alas-6 ng umaga sa Martes magpapatupad ng bawas presyo.
Ang dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
(Mon Jocson | Untv News)
Tags: oil price hike, oil price rollback, Presyo ng mga produktong petrolyo