DA Sec. Francisco Laurel Jr., sinabing hindi posible sa ngayon ang P20 per kilo na bigas

by Radyo La Verdad | November 7, 2023 (Tuesday) | 3010

METRO MANILA – Imposible sa ngayon ang ipinangakong P20 na kada kilo ng bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan muna unahin ngayon ang pagtataas ng produksyon upang magkaroon ng mas abot kayang bigas bago matapos ang 2024.

Aminado si Secretary Laurel na hindi magiging madali ito ngunit sisikapin niyang mabigyan ng murang bigas ang mamamayan sa lalong madaling panahon.

“The P20 per kilo was an aspiration, ‘di ba? Ang problem now, we are in the 15-year high sa world market…today that is not possible. But with ‘yung directive ni presidente to modernize, irrigate, use the right seeds, mechanize, and all of that, maraming gagawin, we are getting ready to do our best, to try to make rice affordable na kayang kaya ng bulsa ng mamamayan.” ani Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Tags: , ,