DA chief, binigyan ng 30-araw na palugit ang importers para dalhin ang bigas sa PH

by Radyo La Verdad | November 21, 2023 (Tuesday) | 819

METRO MANILA – Ibinahagi ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa harap ng House Committee on Agriculture and Food ang mga projection para sa katapusan ng taon ukol sa suplay ng bigas sa bansa.

Inaasahan ng DA ang 1 rice buffer stock na sapat para sa 90 araw ng konsumo ng bansa na maaaring maabot sa pamamagitan ng pagdating ng lahat ng volume ng importasyon na pinahintulutan ng DA.

Magkakaroon ng 2.8 milyong metriko tonelada ngayong taon ang rice import o 1 milyong metriko tonelada na mas mababa kumpara sa nakaraang taon.

Binalaan ni Agriculture Secretary Francisco Laurel Junior ang mga importer na agad na dalhin ang bigas sa bansa.

Tags: