Covid-19 vaccines ng Pfizer at Astrazeneca, matatanggap na simula sa kalagitnaan ng Pebrero – Vaccine Czar

by Erika Endraca | February 1, 2021 (Monday) | 968

METRO MANILA – Nasa 5.6 Million Covid-19 vaccine doses mula sa Pfizer- Biontech at Astrazeneca ang matatanggap ng bansa ngayong first quarter ng taon sa pamamagitan ng Covax facility.

Ayon kay National Task Force Against Covid 19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr, batay ito sa natanggap nilang sulat mula kay Aurelia Nguyen na managing director ng WHO led Covax facility.

Ang Covax facility ay isang global collaboration ng world health organization at iba’t iba pang samahan para sa mabilis na development at distribusyon ng covid-19 vaccines, tests at treatment

Nakasaad din sa sulat na sa kalagitaan ng buwan ng Pebrero naman matatanggap ng Pilipinas ang nasa 117,000 vaccines ng Pfizer biontech

Tinatayang nasa 5.5 hanggang 9.2 million Covid-19 vaccine doses naman ang manggaling sa Astrazenca

Magsisimula rin ang delivery ng mga ito sa kalagitaan hanggang sa huling bahagi ng pebrero

Nguni’t wala pang inisyal na bilang kung ilan ang mauunang ideliver sa Pilipinas dahil hinihintay pa nila ang emergency use listing mula sa WHO.

Binigyang diin naman ni Sec Galvez na maaari pang magbago ang bilang at petsa ng delivery ng mga ito dahil depende ito sa global supply o ang kayang mai- deliver sa mga bansa.

Tiniyak naman ng DOH na anomang darating sa pilipinas ay maiging nasuri ng food and drug administration

Ang Pfizer – Biontech at astrazeneca ang dalawang unang pharmaceutical companies na nakatanggap ng emergency use authorization sa pilipinas

“Katuwang ang mga eksperto at scientists mabusisi at detalyado ang proseso ng pagde- develop hanggang sa pag- aapruba ng Covid-19 vaccines upang siguraduhing ligtas at epektibo ang mga ito lalo na sa paghahatid ng kaligtasan at karagdagang proteksyon sa sambayanag Pilipino” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Panawagan ng pamahalaan sa publiko, huwag mabahala sa mga darating na Covid-19 vaccines sa Pilipinas lalo’t magkakaroon ng sapat at pantay na distribusyons sa lahat ng mga prayoridad na mabakunahan

Ngunit kahit na malapit nang dumating ang Covid-19 vaccines, ipinapaalala ng doh na kailangan pa rin mag- doble ingat upang hindi mahawa sa sakit lalo’t may banta ng mga variant ng Covid-19

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,