METRO MANILA – Inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang Proclamation Number 29. Layon nitong i-lift ang State of of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19.
Nakasaad sa proklamasyon, na ang lahat ng kautusan, memoranda at iba pang issuances na naging epektibo sa ilalim ng State of Public Health Emergency ay binabawi na, o hindi na epektibo.
Lahat rin ng Emergency Use Authorization (EUA) na inissue ng Food and Drug Administrastion (FDA) ay mananatili pa ring epektibo sa loob ng 1 taon mula sa araw na binawi ang State of Public Health Emergency.
Ito ay para magamit pa ang mga natitirang mga COVID-19 vaccines sa bansa.
Batay pa sa proklamasyon na ito, hinihimok ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tiyakin na ikokonsidera na ang lifting ng State of Public Health Emergency sa lahat ng kanilang polisiya nito, panuntunan at regulasyon.
March 2020, nang ideklara ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency dahil sa covid-19 pandemic.
Kasunod nito ang isang executive order na nagbibigay pahintulot sa FDA na magbigay ng EUA sa COVID-19 vaccines at magiging epektibo habang may public health emergency.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Covid-19, EUA, PBBM, State of Public Health and Emergency