COVID-19 Restrictions sa NCR, posible nang maibaba sa GCQ pagkatapos ng May 31 – Malacañang

by Erika Endraca | May 28, 2020 (Thursday) | 65310

METRO MANILA – Nagpulong kahapon (May 27) ang Inter-Agency Task Force kontra COVID-19 para gawin ang desisyon kung ipagpapatuloy ba ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa pagkatapos ng May 31 o luluwagan na.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nakikita ng palasyo na may tsansang maibaba ang Coronavirus restrictions sa Metro Manila patungo sa General Community Quarantine (GCQ).

Ang Metro Manila Council (MMC), nirerekomenda rin sa IATF na isailalim na sa GCQ ang NCR.

Sakali namang maipasailalim na ang NCR sa GCQ, Ibabalik na operasyon ng Public Transportation subalit limited capacity lamang ang pahihintulutan.

Ito ay dahil sa inaasahang mas maraming bilang ng mga kakabayang papayagan nang makabalik sa kanilang mga trabaho Subalit kinakailangang matiyak na naipatutupad pa rin ang Minimum Health Standard kontra Coronavirus.

Umapela rin si Secretary Roque sa pribado at pampublikong sektor na isapinal na ang kanilang work scheme kung saan 50% ay magta-trabaho sa work site at 50% ay sa kanilang mga bahay.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,