COVID-19 health protocols, inilatag ng Manila North at South Cemetery

by Radyo La Verdad | October 17, 2022 (Monday) | 1962

METRO MANILA – Magpapatupad ng COVID-19 health protocols ang pamunuan ng Manila North at South Cemetery kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga taong pupunta  ngayong undas.

Base sa guidelines, maaari nang isama sa sementeryo ang mga bata,  pero kinakailangan na bakunado ang mga ito  laban sa COVID-19.

Habang ang mga senior citizen naman, papayagang nang makapasok kahit ang mga hindi pa bakunado, bilang konsiderasyon sa mga ito.

At bagaman outdoor setting ang mga sementeryo, kinakailangan pa rin na magsuot ng face mask ang lahat ng pupunta dahil inaasahan ang pagdating ng bulto ng mga tao.

Magpapatupad din ng zero vendor policy ang mga sementeryo. Magbubukas ang Manila North at South Cemetery mula October 29 hanggang November 2 ng alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Tags: ,