Consular mission ng PH Embassy sa Vietnam katuwang ang MCGI, tinatangkilik ng maraming Pilipino dahil sa mas mabilis ng serbisyo

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 2950

Sampung taon nang nagtatrabaho sa Vietnam bilang kasambahay si Dolores pero dalawang beses pa lang siyang nakapagparenew ng passport sa pamamagitan ng consular mission ng embahada.

Para sa katulad ni Dolores, malaki ang ipinagbago ng serbisyo ng mga kinatawan ng Embahada dahil sa tulong na ibinibigay naman ng mga volunteer.

Pangunahing katuwang ng Embahada sa consular missions ang Members Church of God International o ang grupong Ang Dating Daan.

Samantala, bahagi ng consular mission ang pagpapaalala sa ating mga kababayan sa Vietnam.

Ayon kay Second Secretary and Consul Jose Ariola, mas mabuti pa rin ang magdoble ingat lalo na kung nasa ibang bansa.

Ipinapayo rin ng Embahada sa mga maghahanap ng trabaho sa Vietnam na tiyaking lehitimo ang recruitment agency at kumunsulta sa POEA. Sa direct hire, tiyaking kaya ng employer na magbigay ng work permit at temporary residence card at kumunsulta sa immigration o local labor department kung may pagbabago sa regulasyon sa lugar kung saan namamasukan.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,