Construction workers ng Sariaya Bypass Road Project pinarangalan ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | October 27, 2021 (Wednesday) | 26753

Binigyan parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga construction worker na pisikal na nagtatrabaho para sa pagbuo ng 7.42 kilometer na Sariaya Bypass Road Project sa Quezon Province sa kabila ng banta ng COVID-19.

“The Completion of the project is a testament to the – well let us give also honor to – itong mga nagtatrabaho, yung mga nagpapala doon ng ilang buwan (these workers, and those who have been shoveling for how many months)” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuri din ni Pangulong Duterte ang kahusayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga project partner sa pagsasakatuparan ng road project na magsisimula sa Manila South Road Daang Maharlika Road at hanggang Quezon Eco-tourism Road.

Pinuri din ni Pangulong Duterte si dating DPWH Secretary Mark Villar, nag bitiw sa pwesto si Villar upang tumakbo sa pagkasenador sa darating na 2022 Election.

Ang road project ay bahagi ng Build Build, Build infrastructure program ng Administrasyong Duterte.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: