Construction company na may-ari ng gumuhong bunkhouse sa Cebu City, ipasasara ng Cebu City government

by Radyo La Verdad | March 9, 2018 (Friday) | 2701

Nais ipasara ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña ang J.E Abraham C. Lee Construction and Development Incorporation kasunod ng pagguho ng  four-level bunkhouse ng mga tauhan nito noong Martes sa Barangay Luz, Cebu City.

Lima sa construction workers na pansamantalang nanunuluyan dito ang nasawi habang marami ang nasugatan dahil sa insidente.

Napag-alaman na walang permit ang pagpapatayo sa naturang bunkhouse at hindi rin ito akmang tirhan ng maraming tao.

Batay rin sa ulat ng Cebu City Treasurer’s Office, mahigit P260,000 buwis ang hindi rin nababayaran ng kumpanya.

Samantala, ngayong araw ay nakatakdang magsumite ng incident report ang nasabing J.E. Abraham Construction sa Department of Labor and Employement (DOLE) at sa Office of the Building Official.

Isa sa titingnang sanhi nang pagguho ng bunkhouse ang lindol at pagkawala ng clamps nito.

 

( Gladys Toabi / UNTV Correspondent )

Tags: , ,