Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nila papayagan si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na irepresenta lang ng kaniyang mga abugado sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Justice sa Miyerkules, Nov 22.
Kung wala umanong itinatago ang punong mahistrado ay dapat niyang harapin ang pagdinig at ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa mga alegasyon na nakasaad sa impeachment compliant.
Subalit si Sereno, nanindigan umano na hindi dadalo. Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Josa Deinla, iginigiit pa rin nila na bigyan ito ng karapatan na irepresenta ng kaniyang mga abugado. Pinag-iisipan na rin ng kampo ni Sereno na iakyat sa Korte Suprema ang isyu.
Subalit constitutional crisis naman ang nakikitang resulta ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali kung panghihimasukan ng Korte Suprema ang impeachment proceedings sa Kamara.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )