‘Comprehensive contingency measures’, ipinagutos ni Pangulong Aquino kaugnay ng sitwasyon sa Middle East

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1502

JERICO_PNOY
Ipinagutos ni Pangulong Benigno Aquino III na magpatupad ng komprehensibong contigency measures sa Middle East dahil sa hidwaan ng bansang Saudi at Iran.

Gayundin ang malawak na koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan sa naturang isyu.

Ito ay matapos pulungin ni Pangulong Aquino ang ilan sa kaniyang miyembro ng gabinete kabilang sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Labor Secretary Baldoz upang pagusapan ang mga hakbang ng pamahalaan dahil sa sitwasyon ng tensyon sa dalawang bansa.

Binigyang diin ni Pangulong Aquino na prayoridad ng pamahalaan na matiyak ang seguridad ng mga Pilipinong naghahanapbuhay sa gitnang silangan.

Inatasan na ng pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mahigpit na pagbabantay sa sitwasyon sa naturang mga bansa.

Nauna ng ipinahayag ng Malacanang na mayroon ng nakahandang contingency measures sakaling lumala ang sitwasyon sa gitnang silangan kung saan aabot sa mahigit dalawa’t kalahating milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagtatrabaho dito.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,