Nanawagan naman ang Commission on Election sa publiko na huwag bubuksan o i-access ang napaulat na website kung saan ipinaskil ng mga hacker ang nakuhang impormasyon mula sa na-hack na website ng COMELEC.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, posible na isa itong phishing site kung saan maaaring manakaw ang mga impormasyon at identity ng internet user.
Tiniyak naman ng COMELEC na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang nasabing website.
(UNTV NEWS)