Bagong website ng PAGASA, inilunsad

by Radyo La Verdad | June 12, 2018 (Tuesday) | 3608

Inilunsad ng PAGASA ang bago nitong website na kinapapalooban ng mas maraming feature. Makikita sa website ang forecast sa maghapon at sa susunod na limang araw.

ANg isa sa bagong feature nito ay ang malalaman na agad kung ilang bahay o istruktura ang maaaring masira sa dadaanan ng isang paparating na bagyo.

Malalaman din kung gaano karaming ulan ang maaaring dalin sa isang lugar at aling mga lugar ang maaaring bahain.

May climate forecast din para sa mga magsasaka para matansta kung kailan magtatanim at sa mga mangingisda para naman malaman kung delikado bang pumalaot o hindi.

Ipag-uutos naman ng DILG sa mga local government unit na gamitin ang websites na ginastusan ng gobyerno ng 17 milyong piso.

Bisitahin lamang ang www.bagong.pagasa.dost.gov.ph para makita ang detalye ng website.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,