Hinikayat ni Senate President Franklin Drilon ang publiko na isaalang-alang ang kasalukuyang lagay ng ekonomiya ng bansa pagdating sa pipiliing kandidato sa darating na eleksyon sa Mayo.
Aniya, kung mapupunta lang sa maling pinuno ang pamamahala sa bansa, maaaring bumagsak ang naging magandang takbo ng ating ekonomiya sa nakalipas na anim na taon.
“The upcoming election is crucial in the sustainability of these reforms. The election will make or break whatever we have started under the Aquino administration. We must safeguard the reforms we have painstakingly put in place.” pahayag ni Senator Drilon.
Ayon sa ulat ng National Economic Development Authority, ang growth domestic product ng bansa ay tumaas ng 5.8% nitong 2015, na mas mababa kumpara sa 6.1% GDP noong 2014,ngunit aniya ang Pilipinas pa rin ay maituturing na isa sa mga bansa na mabilis lumago ang ekonomiya sa Asya kasunod ng India, China at Vietnam.
Sinabi rin ni Senator Drilon na siya ay pabor sa sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na isang hamon sa susunod na administrasyon na mapanitili ang magandang takbo ng ekonomiya.
(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)
Tags: ekonomiya, pangulo ng bansa, publiko