Comelec magsasagawa ng online survey kung pabor ang publiko sa mall voting

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 1367

072315
Bukod sa mga mall owner, nais din ng Commission on Elections na mapulsuhan ang publiko hinggil sa pagdaraos ng halalan sa mga mall.

Sasusunod na linggo magbubukasang Comelec ng online survey sa pamamagitan ng website nito upang kunin ang opinyon ng taumbayan sa mall voting.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, sa ngayon patuloy ang pag-aaral ng binuong technical working group hinggil sa planong mall voting.

Sinabi ni Bautista marami silang nakikitang bentahe sakaling maaprubahan ang mall voting.

Isa rin sa bentahes a mall voting ay ang ma-decongest ang mga paaralan sa mahabang pila ng mga boboto.

Sa ngayon ang Robinsons at SM pa lamang ang nagpahayag ng pag sang-ayon sa planong mall voting.

Ang Pacific Mall, nais munang makita ang plano.

Hindi naman gagamitin ng Comelec ang mga mall na pag-aari ng mga pulitiko.

Samantala, ngayon araw isang kasunduan ang nilagdaan ng Comelec at Pacific Mall Corporation upang mapabilang ang 3 mall nito na nasa Legazpi, Mandaue at Lucena sa Special Satellite Registration Program ng Comelec.

Bukas tuwing biyernes ang Pacific Malls sa Lucena at Mandaue sa mall registration at validation at huwebes at biyernes naman sa Legazpi.

Ikinatuwa naman ng Comelec ang mataas na bilang ng mga nagtutungo sa mall para magpa-rehistro.

Nitong nakaraang linggo umabot sa 16,000 ang nagparehistro o nagpa-validate ng biometrics sa mga mall .

Inaasahan din ng Comelec na kung matutuloy ang mall voting, tataas din ang voter’s turn out sa 2016 elections.

Tags: ,