Comelec, isasailalim sa forensic anaylysis ang kumakalat na video online ng umano’y pre- shading ng balota

by Erika Endraca | May 17, 2019 (Friday) | 18157

Manila, Philippines – Hindi binabale-wala ng Commission on Elections (COMELEC) ang kumakalat na video online tungkol sa umano’y pre- shading ng balota sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez, nakatakda nang paimbesigahan ito ng poll body. Hihingi rin sila ng tulong sa mga eskperto para sa isang forensic analysis.

“Magre- request kami ng assistance from facebook and perhaps refer it to the appropriate authorities for forensic analysis pero we’re not dismissing it as fake. We’re not ready to make that determination yet. Alamin muna natin detalye ng video.” ani Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez.

Ayon pa kay Jimenez, seryoso ang poll body na matukoy ang kabuoang impormasyon ng naturang video.

Nananawagan din ang comelec na lumapit sa kanila ang mismong uploader upang mapabilis ang proseso ng imbestigasyon.

Kailangan matukoy ng comelec kung totoo ito upang makapag- desisyon ang poll body kaugnay ng election results sa naturang lugar

“Even internally there is very little to tell you who is doing the shading. Ano siya sa konteksto ng halalan and so on, hindi natin alam kung sino nag- upload at hindi natin alam kung saan nanggaling . We encourage whoever has an information in this video to come forward and file a complaint. If it’s the original uploader themselves, then so much the better.” ani Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez.

Sa ngayon hindi aniya maaaring mag-deklara ng suspensyon ng halalan ang comelec dahil lamang sa mga hinuha. Dapat aniyang makapaghain ng mga pormal na petisyon at mapatunayang totoo ang mga lumalabas na umano’y pandaraya.

“It’s a little difficult to imagine that the entire elections will be suspended essentially because of speculations.” ani Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,