Manila, Philippines – Hiniling ng Commission On Elections (COMELEC) sa mga kandidato na magkusa ng baklasin ang kanilang mga poster na nasa mga ipinagbabawal na lugar.
Gayundin ang mga naglalakihang posters na lampas sa sukat na pinapayagan ng COMELEC.
“Alisin na nila sila na mismo ang magtanggal ng lahat ng mga hindi dapat na mga campaign materials nila paulit ulit naming sinasabi na meron lang tayong common poster areas kung saan lang nila pwedeng ilagay ang mga campaign materials nila”. ani Comelec Regional Election Director, Atty. Gloria Ramos-Petallo .
Samantala nagpaalala din ang comelec sa mga botante na huwag mahikayat sa vote buying na inaalok ng ibang mga kandidato.
“Vote buying under the omnibus election code is an election offense, 1 to 6 years imprisonment and if there are public officials na nandun and to be found guilty they will be perpetually disqualified to hold any public office”. ani Comelec Regional Election Director, Atty. Gloria Ramos-Petallo.
(Aiko Miguel | Untv News)
Tags: 2019 midterm elections, campaign posters, Comelec Spokesperson James Jimenez