COMELEC Chairman Andres Bautista, iginiit na hindi dapat sa kanya isisi ang COMELEC data breach

by Radyo La Verdad | January 5, 2017 (Thursday) | 16775

mon_bautista
Naniniwala si Commission on Elections Chairman Andres Bautista na hindi sa kanya dapat isisi ang nangyaring malawakang leak ng mga impormasyon ng mga botante na nakatala sa COMELEC website.

Aniya, hindi makatwiran na isisi sa kanya ang hacking na kahit mismo ang mga naglalakihang website ay hindi nakaligtas.

Dagdag ni Bautista, ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang remedial measures na kanilang isinasagawa dahil hindi sila makasisiguro na hindi na mauulit ang pag-hack sa mga data.

Hindi rin aniya totoo na hindi niya pinapahalagahan ang mga impormasyon ng mga botante.

Nagkataon lamang na naging abala sila noong panahon ng eleksyon

Una nang inirekomenda ng National Privacy Commission na sampahan ng kaso si Bautista dahil umano sa paglabag sa Data Privacy Act of 2012 kaugnay ng Massive Data Breach noong March 2016.

Nailabas mula sa na-hack na website ng COMELEC ang impormasyon ng mahigit sa labinlimang milyong botante gaya ng fingerprints at passport information.

Maghahain naman ng motion for reconsideration si Bautista sa kinakaharap na kasong kriminal.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,