Hinihikayat ng Philippine Coconut Authority ang ilan sa mga coconut farmers sa Albay na huwag ng magtanim ng mga puno ng niyog sa paligid ng Bulkang Mayon na sakop ng 6 kilometer permanent danger zone.
Paliwanag ng PCA, masyadong mapanganib para sa mga magniniyog ang manatili sa loob ng PDZ lalo na’t may banta ng lahar flow ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa datos ng Philippine Coconut Authority sa Albay, may mahigit na sampung libong hektarya ng niyogan na makikita sa paligid ng Bulkang Mayon na sakop ng 6km permanent danger zone.
Sa ngayon, may project site na ang PCA Albay na inter-cropping at livestock intergration para sa mga magniniyog na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon na matatagpuan sa bayan ng Tabaco City at Camalig Albay.
( Allan Manansala / UNTV Correspondent )
Tags: Bulkang Mayon, Coconut Farmers, PCA