Coconut farmers, nanawagan kay Pangulong Aquino na i-certify as urgent ang batas upang mapakinabangan na nila ang Coco Levy Fund

by Radyo La Verdad | July 23, 2015 (Thursday) | 1351

farmers
Muling nanawagan ang mga coconut farmer kay Pangulong Benigno Aquino the third na i-certify as urgent ang panukalang batas na lilikha sa Coconut Farmers Trust Fund.

Muli silang nanawagan sa Pangulo na tuparin ang kanyang pangako na lilikha ito ng “Coconut Farmers Trust Fund” sa pamamagitan ng isang batas at dapat itong ise-certify na urgent.

Ito ang napag-usapan ng mga Coco Farmer at Pangulong Aquino sa loob ng 3 oras na pulong nila noon.

Nangangamba ang mga Coconut Farmers na sa nalalabing buwan ng Pangulo sa pwesto ay mabaon na naman sa limot ang kanilang napagkasunduan.

Ayon sa mga magsasaka kung binibigyan ng panahon ng kongreso ang Bangsamoro Bill na pakikinabangan lamang ng ilang lugar sa Mindanao.

Dapat ay mas bigyang halaga ang “Coconut Farmers’ Trust Fund” kung saan 68-probinsya at mahigit na tatlong milyong magsasaka ang makikinabang dito.

Kung maisasabatas ang “Coconut Farmers Trust Fund”, ang batas na ito siya lilikha sa Coconut Farmers and Industy Trust Fund kung saan nakapaloob dito ang lahat ng Coco Levy Assets.

Sa ngayon ito ang nakikitang solusyon ng mga magsasaka lalo’t kasalukuyang naka T-R-O ang Execituve Order 179 at 180 na nagbibigay ng guidelines sa paggamit ng Coco Levy Assets para sa mga Coconut Farmer.

Tags: