Coast Guard, iniimbestigahan ang 2 insidente sa dagat ng Negros

by Radyo La Verdad | March 25, 2022 (Friday) | 6609

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa Negros Occidental dahil sa insidente ng pagtaob ng 2 bangka sa lungsod ng Sagay at San Carlos nitong linggo (March 20) dahil sa malakas na alon.

Ayon sa Disaster Risk Reduction and Mnagement Office , walang nasawi sa 55 na pasahero, 45 sa mga ito ay mula sa Sagay na miyembro ng Brotherhood Riders Club at ang 10 ay mula sa San Carlos City na agad naman nabigyan ng medikal na atensyon.

“Walang nasawi o malubhang pinsala ngunit bahagi ito ng pamamaraan na lahat ay dapat na sumailalim sa medikal na pagsusuri, “ani Commander Joe Luviz Mercurio, head ng Coast Guard Station-Northern Negros Occidental.

Batay sa inisyal na impormasyon, napagaalaman ng Coast Guard na ang ilang mga bangka ay mga iligal na naghahatid ng mga pasahero at ang mga operator na walang dokumento o awtorisasyon.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: