Gulong-gulo na ang mga magulang maging ang ilang grupo ng mga doktor sa mga magkakaibang pahayag ng mga eksperto kaugnay ng Dengvaxia.
Kaya naman nagpasya ang mga ito na humarap at makipagpulong sa UP-PGH expert panel upang linawin ang ilang bagay kaugnay dito.
Ayon sa Coaltion for People’s Right to Health, nais nilang tulungan ang mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na makakuhang libreng medical assistance.
Hustisya at indemnification o bayad-danyos naman ang kanilang habol para sa mga magulang na namatayan ng anak dahil umano sa kontrobersyal na bakuna.
Kasama sa humihingi ng tulong ang faculty president ng Nagpayong Elementary School sa Pasig City kung saan libo-libong estudyante ang nabakunahan ng Dengvaxia noong 2016.
Matapos nga ang talakayan sa loob ay tinapos ng mga grupo ang kanilang programa sa pamamagitan ng isang rally kaninang pasado alas singko ng hapon kahapon sa harap ng UP-PGH.
Ipinahayag ng mga guro na masama ang kanilang kalooban na tila kinasangkapan sa pagbibigyay ng Dengvaxia na hindi naman naibigay iyong sapat na impormasyon at tunay na epekto ng Dengvaxia.
Ayon pa sa grupo, sinabi ni Dr. Juleit Sio-Aguilar na wala pang malinaw na resulta kung ano ang sanhi ng kamatayan ng tatlong batang batang nabakunahan din ng Dengvaxia.
Panawagan ng mga ito na panagutin ang mga nasa likod ng pagbili ng kontrobersyal na bakuna kasama na rin aniya ang Sanofi na manufacturer ng Dengvaxia.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )