Hinimok ng mga environmental group na Freedom from Debt Coalition at Philippine Movement for Climate Justice ang Asian Development Bank na itigil na nito ang pagpopondo sa mga coal power plant dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan.
Ayon sa dalawang grupo, malaki ang epekto ng coal power plants sa kalikasan dahil itinuturing ito na maruming pinagkukunan ng enerhiya o dirty energy source.
Ang usok mula sa mga coal power plant ay lumilikha ng smog, acid rain at toxic air pollution.
Hindi rin na re-recycle ang abo mula sa coal power plants at nagiging sanhi pa ito ng pagkakasakit sa mga taong nakatira malapit sa mga planta.
Simula noong taong 2007, one point eight billion dollars na ang pondong nailabas ng adb para sa mga coal power plant.
(UNTV RADIO)
Tags: Freedom from Debt Coalition, Philippine Movement for Climate Justice