Clark International Airport, handa na sa paglipat ng ilang international at domestic flight mula NAIA

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 2533

Halos dalawang linggo na ang lumipas mula ng ipag-utos ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga airline company na ilipat ang ilang byahe ng kanilang mga eroplano sa Clark International Airport sa Pampanga. Paraan ito upang ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa Clark International Airport Corporation Authority, kaya nilang i-accommodate ang mga ililipat na flight mula sa NAIA

Apat na milyong pasahero umano ang designed capacity ng paliparan ayon kay CIAC Acting President and CEO Alexander Cauguiran. Nakalatag na rin anila ang mga expansion projects para mas marami pang mga pasahero ang kanilang mapaglingkuran.

Sa datos ng CIAC, umabot sa 1.5 million na pasahero ang kanilang nabigyan ng serbisyo noong nakaraang taon at sa kasalukuyan ay mahigit na 245 flights linggo-linggo sa paliparan, dalawampu dito ay international flights.

Bukod sa expansion projects, patuloy din ang kanilang isinasagawang modernisasyon sa mga pasilidad.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,