Clark International Airport Corporation, ipinagtanggol ang mga empleyado sa akusasyon ng pagnanakaw

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 3956

Nag-viral sa social media ang post ng Korean National na si Woo Seon Kyung. Tungkol ito sa umano’y panggigipit sa kanila dahil sa tax limit issue at isang mamahaling relo na ipinaalis at hindi ibinalik sa kanyang asawa nang dumaan sa security check.

Isa rin sa inireklamo ng Korean National sa social media ay ang kawalan umano ng customs personnel sa airport kaya kinabukasan na nila nakuha ang mga dalang gamit.

Nabatid na dumating sa bansa ang dayuhan noong February 12 dala ang bag na naglalaman ng cosmetic products na nagkakahalaga ng $677 na ayon sa Bureau of Customs ay sobra sa itinakdang limit.

Ngunit ayon kay CIAC President and Ceo Alexander Cauguiran, hindi totoo ang mga paratang ni Kyung. Itinanggi rin ng Bureau of Custom ang issue na wala silang nakaduty na tauhan kaya hindi makuha ni Kyung ang kanyang mga gamit.

Ayon sa BOC, nahold talaga ang bagahe nito dahil ayaw umanong bayaran ang duties and tax na kailangan dito.

Batay sa CCTV footage, nakita na nagmamadali ang Korean National kaya agad umalis matapos dumaan sa screening machine. Ngunit maya-maya pa ay may napansin na naiwang gamit ang security in charge kaya agad hinabol ang dayuhan.

Naglabas na rin ng official statement ang mga ahensiya na inirereklamo ng Korean National.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,