Clark International Airport, balik operasyon na matapos mapinsala ng lindol

by Erika Endraca | April 25, 2019 (Thursday) | 2740

Clark, Pampanga – Balik operasyon na ang Clark International Airport matapos bahagyang masira ang ilang bahagi nito dahil sa 6.1 magnitude na lindol noong lunes.

Idineklara na ng pamunuan na ligtas nang gamiting muli ang paliparan .

Pasado alas tres ng hapon ay nagsimula nang papasukin at pinagcheck in na rin ang mga pasahero. Aabot sa 10 flight na mayroon ang macacater ng paliparan 8 dito ay international flight at 2 domestic flight.

Nagsagawa na rin ng flight testing upang masiguro na ligtas gamitin ang mga runways nito. Alas-4 ng hapon kahapon nang magsimula ang operasyon nito.

Ang bumagsak na kisame ng airport nilagyan na pansamantala ng net. Maayos narin anj mga sahig, glass doors at ilaw. Nagagamit at operation natin ang mga check in counter at mga scanner.

Gumagana narin muli ang mga equipment, flight information systems at mga cctv cameras.

“We already check the power the building form the tower the taxi wait to the ramp of the terminal everything safe no substantial damage.” ayon kay Clark International Airport Corporation President  Jaime Melo

Sa labas naman ng paliparan ay mga assistance desk ang mga airline companies na inilagay para asistehan ang mga apektading pasahero.

Binigyan narin ang mga ito ng makakain at inuming tubig.Mayroon din na nilagay na desk ang paliparan para sa mga magrerefund ng kanilang terminal.fee.

Si aling jeanda yap na overseas filipino worker singapore apat na taon na siyang pabalikbalik ng bansa ay ngayon lang umano nakaranas na magintay ng matagal.

Samantala, nagdesisyon naman ang pamunuan ng qatar airlines na ilipat na ang kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport.

(Leslie Huidem | Untv News Pampanga)

Tags: ,