Pinangunahan ni Chief Justice Lourdes Sereno ang ika-15 national convention ng Integrated Bar of the Philippines sa Cebu.
Nanawagan ito sa mga miyembro ng IBP na tumulong sa pagreporma sa sangay ng hudikatura at manawagan sa Kongreso ng mas mataas na budget para sa modernisasyon ng mga korte sa bansa
Ayon pa kay Sereno, mahalaga na magkaroon ng dagdag na pondo ang Judiciary para mapabilis ang mga proyekto na makakapagbawas ng decongestion o tambak na trabaho sa mga court dockets.
Binigay na halimbawa ni Sereno ang ginawang proyekto ng SC sa ilang korte sa Quezon City.
Nais ni Sereno na palawakin sa buong bansa ang mga naturang proyekto ng Korte Suprema.
Tags: Chief Justice, IBP, Integrated Bar of the Philippines, Lourdes Sereno, modernization, Supreme Court
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com