CHR, nabahala sa pahayag ni Mayor Duterte kaugnay ng Davao Death Squad

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 1475

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE
Nais paimbestigahan ng Human Rights Watch si Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Ito ay matapos ng pahayag ni Duterte na, “Am I the death squad? true. that is true,”

Paliwanag ng Mayor, ang kanyang naging pahayag ay para hamunin lamang ang mga Human Rights groups na pumunta ng Davao City at magsampa ng kaso laban sa kanya.

Bagamat hindi direktang inamin ni Duterte na may koneksyon sya sa Davao Death Squad, nababahala pa rin ang Commission on Human Rights o CHR hinggil sa isyu.

Ayon sa CHR, dahil sa naging pahayag ni Duterte , kinukunsidera na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa Davao.

Susulatan ng CHR ngayong linggo si Mayor Duterte kaugnay ng mga pahayag nito

Sa naging imbestigasyon CHR noong 2012 kaugnay ng Davao Death Squad, wala silang nakitang koneksyon ni Mayor Duterte sa grupo

Dagdag pa ng CHR, hindi rin nabibigyang pansin ng Mayor ang pag reresolba sa kaso ng pagpatay sa Davao City na may kaugnayan sa Davao Death Squad. (Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: ,