China kinondena ang pagpatay ng ISIS sa bihag nitong Chinese national

by Radyo La Verdad | November 20, 2015 (Friday) | 1681

NORWEIGIAN
Kinondena ng China ang ginawang pagpaslang ng Islamic State of Iraq and Syria sa bihag nitong Chinese National

Kahapon, naglabas ang larawan ang ISIS sa kanilang official publication na Dabiq ng larawan ng isang Chinese at isang Norweigan national na bihag nito kung saan nakalagay sa banner ang katagang “executed”.

Hindi naman sinabi kung paano pinatay ang mga biktima.

Kinilala ang mga biktima na sina Fan Jinghui isang Chinese national, limampung taong gulang at isang freelance consultant sa Beijing at si Ole Johan Grimsgaard-Ofstad, Norweigan national, 40-year-old.

Una nang kinumpirma ng China noong Setyembre na merong isang Chinese national na bihag ng ISIS.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei, palalakasin pa nila ang kanilang anti-terrorism cooperation sa international community upang masugpo ang anumang uri ng terrorismo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Chinese President Xi Jin Ping sa pamilya ng mga biktima.

Tags: , , , ,