Ipinahayag ni LTO Assistant Regional Director Ledwino Macariola na hindi muna striktong ipatutupad ang child restraint system sa Eastern Visayas.
Sinabi ni Macariola na pinaga-aralan pa nito kung papaano nila maipapatupad ang bagong batas sa rehiyon dahil aniya marami itong ikinokonsidera lalo pa’t wala pang supplier na makakapuno sa dami ng sasakyan o motorista maging ang mga mag-iinstall ng naturang gamit sa rehiyon.
“As far as we know, wala pang supplier dito na makakasupply ng ganun karaming volume. Ilan ang sasakyan dito sa Tacloban? Ilan ang capabilities? Sino ang mag-i-install?” ani LTO Assistant Regional Director Ledwino Macariola.
Ayon kay Macariola, bibigyan aniya nito ang mga motorista ng panahong makacomply sa naturang probisyon habang patuloy ang kanilang ginagawang information campaign ukol dito.
Umaasa naman ang Department of Transportation na susunod ang mga motorista sa buong probinsya sa naturang bagong batas.
(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)
Tags: Child restraint system, LTO