Chicken adobo, patok sa mga Portuguese sa isang Street Food Festival sa Lisbon, Portugal

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 3920

Mapalutong bahay o street food, talagang katakam-takam ang mga pagkaing Pinoy.

Sa isang Asian Street Food Festival sa Lisbon, Portugal ibinida ng embahada ng Pilipinas ang iba’t-ibang pagkaing pinoy. Pinagkaguluhan ang pansit, lumpia , fishball at kwek kwek. Pero ang mas tumatak sa mga bisita ay ang masarap na chicken adobo.

Ikinatuwa naman ng ating mga kababayan  ang pagtanggap ng mga dayuhan sa mga pagkaing Pinoy.

Samantala, matagumpay namang naidaos ang The Philippine Heritage fashion, textile and accessories sa Canberra, Australia.

Tampok dito ang Philippine made products na ang disenyo ay di nahuhuli sa mga makabagong disenyo ng mga high end fashion designers.

Ilang banyaga ang humanga sa kombinasyon ng Philippine indigenous materials sa modern clothing designs.

Ayon kay Ambassador Minda Calaguian-Cruz, binuo ang exhibit na ito upang maipakilala ang likhang Pilipino sa mundo.

 

( Erly Briones / UNTV Correspondent )

Tags: , ,