Mga bumbero, patuloy ang pagapula sa forest fire sa Guarda, Portugal

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 3083
Forest fire sa Guarda, Portugal(REUTERS)

Forest fire sa Guarda, Portugal(REUTERS)

Patuloy pa rin ang pag-apula ng mga bumbero sa forest fire sa distrito ng Guarda sa Central Portugal.

Ayon sa National Civil Protection Authority, mahigit isang daang bumbero ang umaapula sa sunog gamit ang tatlumpu’t tatlong behikulo.

Nagsimula ang sunog Miyerkules ng hapon sa Guarda.

Bukod sa Guarda, sinisikap ring apulain ng mga bumbero ang forest fire sa mga distrito ng Faro, Bragança at Vila Real.

Sa ngayon ay walang pang-ulat ng anumang pinsala ng forest fire.

Tags: , ,