Cake na gawa sa gulay, patok sa mga nada-diet sa Japan

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 4371

Isang Japanese food stylist na nagngangalang Mitsuki Moriyasu ang nagpakilala ng Vegiedeco Salad na may magandang preperasyon ng mga gulay na aakalain mong cake.

Sa simula ang hybrid dish na ito ay itinampok sa menu ng isang bistro sa Nagoya, Japan at ngayon ay eksklusibong mabibili sa isang brand new cafe sa lungsod.

Ang masarap na pagkaing ito ay naglalaman ng makukulay na layers ng gulay, napapagitnaan ng dalawang soybean-flour sponge and covered in a tofu or cream cheese frosting blended with vegetables for natural coloring. Ang kinalabasan ay isang makulay at nakakatakam na salad cake na hindi lang maganda tingnan kundi puno pa ng sustansya.

Ang mga cakes na ito ay mabibili sa halagang 735 Yen na may kasamang special koji dressing. Ang mga kakain ay pwedeng magdagdag sa kanilang meal ng slice ng gluten-free bread na mukhang cake, gawa sa rice at cup of healthy vegie drop tea na loaded with phytochemicals.

Tags: , ,