Cabinet secretaries na na-bypass ng Commission on Appointments, muling itinalaga ni Pres. Duterte at P32 million cash na naharang sa pantalan sa Cagayan de Oro, mananatili sa kustodiya ng PCG

by Radyo La Verdad | July 5, 2017 (Wednesday) | 1752

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlo niyang cabinet member na na-bypass ng Commission on Appointments.

Ang mga ito ay sina Health Secretary Paulyn Jean Ubial, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Inilabas na rin ng Malakanyang ng ad interim appointment ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Sa July-24 pa muling magkakaroon ng regular na sesyon ang Kongreso kung saan posibleng pagtibayin, tanggihan o muling ipagpaliban ng CA ang pagkakatalaga sa mga naturang kalihim.

Samantala, mananatili sa pangangalaga ng Philippine Coastguard ang P32-million pesos na cash na naharang ng mga otoridad sa pantalan ng Cagayan de Oro City.

Ito ay sa kabila ng pagpapawalang sala ng Department of Justice sa kasong rebelyon sa apat na empleyado ng UCPB na nakunan ng pera.

Ayon sa PCG Northern Mindanao District, nagpapatuloy parin ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Nakikipagugnayan naman umano ang PCG sa banko Central sa Cagayan de Oro upang mas maingatan ang nasabing halaga ng pera.

June 25 ng harangin ng mga port personnel ang mga empleyado ng UCPB.

Inako naman ng UCPB ang pera na ililipat sa kanilang branch sa Cebu City at wala itong kinalaman sa rebelyon ng mga teroristang Maute.

Tags: , ,