Muling bubuksan ng Philippine National Railways ang byahe ng kanilang mga tren mula Naga sa Camarines Sur hanggang Legazpi, Albay ngayong araw.
Ito ay matapos magsagawa ng inaugural run ang PNR sa Naga noong Byernes.
Dadaan ang tren ng PNR sa Iriga, Polangi, Ligao, at Guinobatan, Albay bago makarating sa Legazpi City.
Sampung taong ding hindi nakabyahe ang mga tren ng PNRsa Bicol Region matapos sirain ng bagyong Reming ang mga riles sa naturang lugar noong 2006.
Inaasahang magpapalakas sa ekonomiya ng Bicol Region ang muling pagbubukas ng byahe ng PNR.