Bureau of Internal Revenue nagpa-alala sa paghahain ng income tax return bago ang April 15 deadline

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 7917

BIR
Siyam na araw na lamang ang nalalabi bago ang April 15 deadline sa filing ng income tax return.

Kaya naman nagpapaalala ang Bureau of Internal Revenue sa mga tax payer na habang maaga pa ay mag-file na ng kanlang income tax return.

Ayon kay BIR Region-7 Director Alfredo Misajon, inaasahan nila na wala nang mahabang pila sa mga BIR District Office sa araw ng deadline.

Ito ay dahil electronic na ang pag-file ng ITR kaya hindi na sila tatanggap anumang hard copy.

Ang mga may kapansanan at senior citizen lamang ang maaaring magsumite ng ITR sa mga opisina ng BIR.

Ang mga magpapafile online ay kailangan magpasa ng application sa bir upang makalog in sa Electronic Filing and Payment System o EFPS.

Dapat rin na ang bangko ng tax payer ay affiliated sa EFPS ng BIR

Maaaring i-download ang e-BIR form version number 6 at EFPS form sa BIR website www.bir.gov.ph.

Sinabi na ni Director Misajon na mas convenient sa mga taxpayers ang sistemang ito dahil maaari sila maghain ng ITR anumang oras sa pamamagitan lamang ng internet.

Tiniyak din nito na mas mabilis na ang kanilang sistema upang hindi magkaproblema ang mga gagamit nito.

Binigyang diin pa ng BIR na ang mga hindi makakapagsumite ng kanilang itr sa itinakdang deadline ay may penalty na babayaran.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,