Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa buong Luzon kanina dahil sa manipis na supply ng kuryente.
Ang yellow alert ay nakataas mula alas onse ng umaga hanggang alas dose ng tanghali at alas dos naman hanggang alas kwatro ng hapon kahapon.
Umabot sa 9,081 megawatts ang demand ngayong araw subalit nasa 9,971 lamang ang available capacity sa buong Luzon. Wala namang nangyaring brownout kaugnay ng idineklarang yellow alert.
Ang yellow alert ay bunsod ng hindi inaasahang shutdown ng ilang planta at limitadong supply ng kuryente.
Tags: kuryente, Luzon grid, Yellow alert