Kinuwestyon nina Senador Ferdinand Marcos Jr., Chiz Escudero, at Senate President pro-tempore Ralph Recto ang Government Peace Negotiating Panel kung ano ba talaga ang pakinabang ng taongbayan sa bubuuing Bangsamoro Juridical Entity.
Ang Bangsamoro Juridical Entity ang ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region of Muslim Mindanao
Ayon sa ilang Senador, kung hindi epektibo ang nauna bakit gagawa na naman ng panibagong dagdag gastos, bukod pa sa hindi malinaw kung ano ang obligasyon nito sa mga mamamayan at ano ang pakinabang ng Pamahalaan dito.
Halimbawa nito ang pagkakaroon ng walumpung assembly man na ang sahod ay magmumula sa mamamayan na hindi sakop ng Bangsamoro.
Tinanong din kanina kung nakatitiyak ang pamahalaan na hindi na magkakaroon ng bagong grupo na gagawa na naman ng kaguluhan sa Mindanao kung ipapasa ang proposed BBL.
Di naman ito nagarantiyahan ni Government Peace Panel Member Senen Bacani
Kanina, tinalakay rin ang isyu kung papaano ang magiging relasyon ng Chief PNP at ng Chief Minister ng Bangsamoro Police Force
Sinabi ni Senador Marcos, dapat maalis ang duda na maaaring maging Private Army lamang ng Chief Minister ang Bangsamoro Police.
Ayon sa DILG, batay sa kanilang position paper na binasa rin sa KAMARA, ang Bangsamoro Police ay bahagi ng PNP at under ng command at direction ng PNP Chief.
Natalakay rin kanina ang magiging taxation sa ilalim ng proposed Bangsamoro Basic Law.
Hindi pa matiyak ni Senador Marcos kung tatapusin na ang committee hearing ukol sa proposed Bangsamoro Basic Law lalo’t may ilang isyu pa na di pa rin nalilinawan hanggang ngayon
Tags: Chiz Escudero, Government Peace Panel Member Senen Bacani, Senate President pro-tempore Ralph Recto