Sen. Grace Poe at Chiz Escudero, nag-concede na

by Radyo La Verdad | May 10, 2016 (Tuesday) | 3221

POE-ESCUDERO
Tinanggap na ni Sen. Grace Poe ang kanyang pagkatalo kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na siyang nangunguna ngayon sa bilangan ng boto.

Sa press conference na idinaos kaninang madaling araw, sinabi ni Poe na tinatanggap niya ang kanyang pagkatalo at wala siyang pinagsisihan.

Tinawagan din ni Poe si Duterte sa telepono sa hotel na tinutuluyan nito sa Davao at binati ito sa kanyang pagkapanalo.

Ayon kay Poe, ang kaniyang pag-concede ay hindi nangangahulugan ng pagsuko kung di kaniyang iginagalang ang resulta ng halalan at ang nirerespeto ang pinili ng taongbayan.

Ayon kay Poe pagtutuunan niya ng pansin sa ngayon ang kanyang tragaho bilang senador na tatagal pa ng tatlong taon.

Samantala tinanggap na rin ng ni Senador Francis Chiz Escudero ang kanyang pagkatalo sa vice presidential race.

Pinasalamatan ng senador ang kanilang supporters ni Sen. Grace Poe at hniikayat ang lahat na suportahan ang sinumang mananalo.

Aminado si Sen. Escudero na simula pa lamang ay alam na nilang dehado sila sa laban ngunit ayaw nama aniya nilang basta na lang iwan ang kanilang mga taga-suporta.

Tags: ,