BTC at OPAPP, positibong maipasa ang bicam version ng BBL bago ang SONA ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | June 25, 2018 (Monday) | 1833

Nakatakdang magpupulong ang lower house at Senado na magsisilbing bicameral conference committee sa ika-8 hanggang ika-15 ng Hulyo upang ratipikahan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Reresolbahin ng mga ito ang ilang isyu tulad ng power-sharing o concurrent powers sa pagitan ng national at Bangsamoro government, exclusive powers ng Bangsamoro at reserved powers ng national government.

Kumpyansa naman ang Bangsamoro Transition Commission at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) na maipapasa ang panukalang batas bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa ika-23 ng Hulyo.

Ang Bangsamoro Transition Commission (BTC) ay siyang naatasang magbalangkas ng panukalang batas.

Samantalang ang OPAPP naman ay bahagi ng government implementing panel sa usaping pangkapayapaan.

Samantala, naniniwala rin ang BTC na matatanggap ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang bicam version ng BBL.

Taliwas sa napabalitang hindi tatanggapin ng MILF ang pinal na bersyon ng batas dahil “diluted” version umano ito ng draft na isinumte ng BTC.

Maiintindihan ng MILF na magkakaroon ng pagbabago sa batas bilang bahagi ng process of legislation.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,