Bro. Eli Soriano at MCGI, kabalikat ng Philippine Embassy sa Brazil sa kanilang consular missions

by Radyo La Verdad | April 12, 2019 (Friday) | 33248

Nagpasalamat ang embahada ng Pilipinas sa Brazil sa ayudang patuloy na ipinagkakaloob ni Bro. Eli Soriano para sa mga consular outreach mission.

Ayon kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, mahigit isang libong (1,200) mga Pilipino ang naninirahan at naghahanapbuhay sa Brazil. Kaya naman ang embahada ng Pilipinas, lumilibot sa mga bahagi ng bansa kung saan mayroong Filipino community upang makapagsagawa ng consular outreach missions tulad ng pagproseso ng renewal ng passport at iba pang consular documents, notary, at iba pang serbisyo.

Malaki ang pasasalamat ng Philippine Ambassador kay Bro. Eli Soriano dahil sa patuloy na pagtulong sa embahada ng Pilipinas sa mga isinasagawa nitong activities at pag-abot sa ating mga kababayan.

“Kailangang-kailangan po natin si Bro. Eli, at nagpapasalamat din ako kay Bro. Eli sa tulong na binibigay niya sa embassy, pag sinabi naming pumunta naman kayo sa Brasilia kasi may event kami, pumupunta po sila, walang tanong-tanong. So let me use this opportunity to thank him publicly for his support and to the Filipino community. Not only here in Brazil but around the world,” ani Ambassador Marichu Mauro, Philippine Ambassador to Brazil.

Bukod sa Brazil, nasa ilalim din ng jurisdiction ng Philippine Embassy sa Brazil ang pananatili ng mabuting pakikipag-ugnayan sa mga bansang Colombia, Guyana, Suriname, at Venezuela.

Nagpaabot naman ng pagbati ang diplomat sa ika-55 anibersaryo ni Bro. Eli sa paglilingkod sa Dios at sa kapwa.

Unang unang pinapasalamatan ko si Bro. Eli Soriano for inviting me here. It is a very important occasion. 55th anniversary of his pastoral ministry, kitang-kita ninyo naman, napakaraming Pilipinong dumating at napakasaya nila na maibahagi sa okasyong ito. Ang wish ko is mabigyan pa si Bro. Eli Soriano ng another 55 years in his life to continue his ministry,” pahayag ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

(Jihan Tamashunas | UNTV News)

Tags: , , ,