Boracay closure, hindi ipatutupad ngayong summer vacation – Malacañang

by Radyo La Verdad | March 22, 2018 (Thursday) | 4347

Wala pang inilalabas na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa rekomendasyon ng mga ahensya ng pamahalaan na pansamantalang ipasara ang Boracay Island.

Kaya tiniyak ng Malacañang na sa pagpasok ng tag-araw, maaari pang dumayo ang mga turista sa isla.

Sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang tanggapin anuman ang maging rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año hinggil dito.

Una ng sinabi ng DILG, DENR at DOT na isang taong closure ang kailangan upang ma-irehabilitate ang Boracay Island.

Hindi naman tiyak ng Malacañang kung maapektuhan ng Boracay closure ang pagtatayo ng bagong casino sa isla.

Pero ayon sa tagapagsalita ng pangulo, kailangang sumunod ang mga developer nito sa requirement para sa mga ipatatayong imprastraktura tulad ng maayos na water at sewer system.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,