BOI report, hindi na kailangang makita ng Pangulo bago isapubliko – Malacañan

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 1905

COLOMA_BOI 031215

“Hindi po kailangang matanggap o makita ng pangulo ito bago ito mairelease dahil ito naman ay ulat na patungkol sa philippione national police, ito ay sa pagkabatid natin, pagkatapos itong mabuo ay isusumite kay PNP Deputy Director General Leonardo Espina at kay Interior and Local Secretary Mar Roxas.”

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kaugnay ng proseso ng pagsusumite  sa Philippine Natonal Police ng resulta ng ginawang imbestigasyon ng board of inquiry sa january 25 mamasapano clash.

Nanindigan ang Malakanyang na ang resulta ng imbestigasyon ng  BOI ay makatotohanan at batay sa masusing pagsisiyasat

Aniya hindi ito naimpluwensyahan ng mga nakaraang pahayag ng Pangulo kaugnay ng kaniyang nalalaman sa  pangyayari.

Umaasa rin si Coloma na ito ay maisasapubliko dahil na rin sa pagnanasa ng marami na malaman ang buong katotohanan ng pangyayari sa Oplan Exodus noong January 25 sa Mamasapano kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force ang nasawi. (Nel Maribojoc, UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , ,