Walang nakikitang basehan ang Malacanang sa alegasyon ni Senator Grace Poe na ang mga kalaban nito sa presidential race kabilang si Mar Roxas ang nasa likod ng disqualification nito sa pagtakbo bilang pangulo dahil sa isyu ng residency.
Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda matapos balikan ng senadora ang kaniyang mga kalaban sa pulitika ng maglabas ng desisyon ang COMELEC 2nd Division kaugnay ng kaniyang diaqualification.
Dahil dito, pinayuhan na lang ng Malacanang si Poe na gamitin ang lahat ng legal remedies upang baligtarin ang desisyon ng COMELEC.
Ayon pa kay Lacierda, imbes aniyang gumawa ng alegasyon ang kampo ng senadora ay irespeto na lang ang proseso ng batas na dapat aniyang magawa ng isang kandidatong tumatakbo para sa pagkapangulo.
“You know I think as a candidate running for national elections, it is important for us to respect the rule of law. These are institutions ordained by the Constitution and the Constitution was ratified by the people. So, we can only ask everyone, all the candidates, to please respect the process and respect the rule of law.” pahayag ni Lacierda.
(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Black propaganda, disqualification, Malacañang, Poe